Rookie cop, tiklo sa drug bust

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement  Agency (PDEA) ang isang baguhang pulis  sa isinagawang buy-bust operation sa Zone 2, Brgy. Rizal Pala Pala, Iloilo City kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang nadakip na pulis na si PO1 Marlon Roque, 33 anyos at nakatalaga sa Mandurriao Police Precint sa Iloilo City.

Si Roque ay nadakip matapos  pagbentahan  ng  shabu  ang isang PDEA  poseur-buyer.

Isang Dexter Roque alyas Mayor na kapatid ng suspek na siyang target ng buy-bust operation pero nakatakas ito habang inaaresto si Marlon.

Sinampahan na ang nasabing tiwaling pulis ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) na may kaugnayan sa Section 26 (Conspiracy) Article II ng Republic Act 9165 na  mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2000.

 

Show comments