Kolektor ng NPA nilikida

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Naubos na ang pasensiya ng isang Aeta chieftain sa pagbibigay ng pinaghirapan nitong ani ng kamote at ipon na bigas sa mga New People’s Army kaya naburyong at pinagtataga hanggang sa mapatay nito ang katribu na tagapangolekta ng mga rebelde sa bulubunduking Barangay Logac sa bayan ng Lallo, Cagayan kamakalawa. Nabatid na itinago pa ng suspek na si Rolando Libasen ang bangkay ng babaeng si Rita Arinang sa poso-negro ng kanilang kapitbahay kung saan ay naaagnas na ito nang madiskubre ng pulisya.
Sinabi ni PO3 Gilbert Columna, inamin naman ng suspek ang pagpatay sa biktima.

 

Show comments