4 suspek sa rape slay, tiklo

CAVITE, Philippines  â€“ Arestado ang apat na kalalakihan na sinasa­bing mga pangunahing suspek sa panghahalay at pagpatay sa 9-anyos na batang babae sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Barangay San Lorenzo 2 sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Pormal na kakasuhan ng pulisya ang magkapatid na Rodel Cubian, 23; at Jayson Cubian, 20; magpinsang Kenneth Deliquena at Ryan Delequena 25. Sa tala ng pulisya, lumilitaw na dinukot ang biktimang si Zosiemae Magluyan noong Disyembre 25 bago dinala at pinilahan sa abandonadong bahay sa nasabing barangay. Natagpuan naman ang bangkay ng biktima sa basurahan na tinabunan ng buhangin noong Enero 2. Nasakote ang mga suspek matapos lumutang ang isang saksi sa krimen.

 

Show comments