TUGUEGARAO CITY, Philippines – Umaabot sa Labinsiyam-katao kabilang ang 2-anyos na bata ang nalason sa mga pagkaing handa sa debut ng isang dalaga na staff ng Alcala District Hospital sa nasabing bayan, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay Dr. Carlos Cortina ng Cagayan Provincial Health Office, nangyari ang insidente noong Linggo (Enero 6) sa Barangay Agani sa bayan ng Alcala. Nabatid na nagsalu-salo ang mga biktima sa inihandang lumpia, turon, tuna sandwich at ang ipinagmamalaking pansit Miki-Laddit. Ilang minuto matapos kumain ay nakadama ng pananakit ng tiyan, pagdudumi, pagkahilo at pagsusuka ang mga biktima kaya kaagad na isinugod sa Cagayan District Hospital.