Sanggol dinukot sa ospital

TUGUEGARAO CITY , Philippines - Dumulog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mag asawang residente sa bayan ng Abulug, Cagayan kaugnay sa pagkakadukot ng kanilang premature baby sa incubator ng nursery sa Cagayan Valley Regional Medical Center sa Tuguegarao City kamakalawa. Ipinabatid ng ama ang babaeng sanggol na si Jenifer Delelis na isa sa kambal na iniluwal ng kanyang misis sa nasabing ospital noong Disyembre 29 kung saan dinukot.

Ang kambal na sanggol ay 7-buwan gulang lamang ipinagbuntis ng kanyang misis, ayon kay Delelis.

 Nabatid na isang babae na nasa edad 23 ang nakita sa CCTV camera ng ospital na dumukot at tumangay sa nasabing sanggol. 

Isinalang na sa imbestigasyon ang security ng ospitgal kaugnay sa pagkawala ng sanggol. Nauna rito, inaresto ng NBI ang 31-anyos na kasambahay matapos niyang tangkaing ibenta ang iniluwal nitong anak sa nasabing ospital sa halagang P15,000 noong Lunes.

Show comments