3 ‘sinalvage’ sa Bulacan

BULACAN , Philippines  â€“ Tatlong kalalakihan na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkakahiwalay na barangay sa dalawang bayan sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Gerardo Andaya, ang dalawang biktima na walang makuhang anumang mapagkakakilanlan ay natagpuan sa bakanteng lote ng Likod Bisita sa Brgy. Loma De Gato sa bayan ng Marilao. Ang dalawa ay kapwa binalutan ng packing tape sa mukha at paa kung saan may kable ng kuryente sa kanilang leeg at may mga tama ng saksak. Samantala, ang ikatlong biktima na iginapos ay tadtad din ng saksak sa katawan ay natagpuan naman sa bahagi ng Barangay Santol sa bayan ng Balagtas.

 

Show comments