2 utas sa banggaan

CAMP SIMEON OLA , Legazpi City , Philippines – Dalawa katao kabilang ang isang Sangguniang Kabataan (SK) Municipal Federation President ang nasawi matapos na aksidenteng magsalpukan ang minamaneho ng mga itong motorsiklo sa kahabaan ng national road, Brgy. Poblacion Norte, Barcelona, Sorsogon, kamakalawa.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Gubat District Hospital ang mga biktimang sina Julius Floralde, 19, binata, SK Municipal Federation President ng bayan ng Barcelona at Aldin Embarga, 23, binata; pawang ng nabanggit na munisipalidad.

Batay sa ulat ng pulisya ang aksidente ay naganap dakong alas-11:30 ng tanghali habang si Floralde ay sakay sa kanyang mootorsiklo (7178 - IY )na bumabagtas sa nasa­bing lugar nang makasalpukan ang motorsiklo ni Embarga.

Sa lakas ng banggaan ay kapwa tumilapon ang dalawa na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay nabigo ng mailigtas sanhi ng tinamong matinding sugat sa katawan partikular na sa bahagi ng kanilang mga ulo.

Iniimbestigahan na ang kasong ito.

Show comments