Magsasaka niratrat ng kainuman

CAMARINES NORTE, Philippines – Patay ang isang magsasaka nang pagbabarilin ng kainuman nito matapos ang mainitang pagtatalo sa Brgy. Gaboc, Mercedes, Camarines Norte kamaka­lawa ng gabi.

Sa ulat ni P/Chief. Insp. Allan Docyogen,  naganap ang pamamaril bandang alas-11 ng gabi  na agad na ikinasawi ng biktimang si Emeterio Trinidad, 52-anyos may asawa at residente ng Brgy. San Pascual, Basud, Camarines Norte. 

Mabilis namang nakapagresponde ang mga pulis sa pinangyarihan ng krimen at agad na nahuli  ang suspek na si Joel Aperin, 41-anyos may asawa ng Brgy Gaboc, Mercedes.

 Sa inisyal na imbestigasyon, dinayo ng biktima ang suspek upang mag-inuman subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagtalo ang mga ito na humantong sa krimen. Ang kasong ito ay iniimbestigahan na .

 

Show comments