Hardinero itinumba sa tindahan

LAGUNA, Philippines – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang 39-anyos na hardinero ng magkaibigang lalaki sa Sitio 3, Barangay Patimbao, sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna noong Martes ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Pascual Munoz Jr., Laguna PNP director, nakilala ang biktima na si Peter Vilangel, tubong Sipocot Camarines Sur habang  tinutugis nang pulisya ang mga suspek na sina Isidilio “During” Pabilina at Aricardo “Patis” Melendrez, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Lumilitaw na bumibili ng sigarilyo sa tindahan ang biktima nang lapitan at pagtulungang gulpihin at saksakin hanggang sa mapatay.

 

Show comments