Dinamita ginawang paputok

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Sabog at nawala ang kanang kamay ng 38-anyos na mangingisda matapos na gawing paputok ang dinamita na ginagamit niya sa pangingisda sa pagsalubong sa  Bagong Taon sa Barangay Tabbugan sa bayan ng Claveria, Cagayan. Nabatid na lango sa alak ang biktimang si Romulo Domingo nang sindihan nito ang dinamita para paputukin sa pagsapit ng 2013 subalit agad sumabog sa kanyang kamay. Kinailangan pang ibiyahe ang biktima sa pagamutan sa kalapit na bayan ng Sanchez Mira para putulin ang kanang kamay dahil sa nagkagutay-gutay ito.

Show comments