Driver todas sa grenade blast

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Patay ang tricycle driver habang tatlong iba pa ang sugatan makaraang masabugan ng granada na inihagis ng riding-in-tandem sa pilahan ng traysikel sa Barangy Rosary Heights-6 sa Cotabato City noong Linggo ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Ali Masri Amirul, 18, habang ginagamot naman sa Cotabato Regional and Medical Center ang mga sugatang sina Albert Villarete, 39; Reynaldo Tagayan, 42; at si Legaspi Banguis, 56. Ayon sa police report, nagkakasayahan ang mga biktima sa traysikel nang hagisan ng granada ng tandem.Tinamaan ng shrapnel ng granada ang mga biktima kung saan napuruhan si Amirul na nagkataong naghihintay ng mga pasahero sa kalsada, ayon sa pulisya. Ito na ang ikalawang grenade attack sa Cotabato City sa nakalipas na linggo.

Show comments