Nene pinabulagta ng driver

BULACAN, Philippines  -  Walang magaganap na pagsalubong sa Bagong Taon ang 14-anyos na nene matapos itong  barilin at mapatay ng 33-anyos na driver ng backhoe sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot sa ospital ang biktimang si Katrina Ellane Guinto, special child, at sugatan naman ang kapatid nitong si Ma. Judith Guinto, 30, kapwa nakatira sa Sitio Daang Bakal, Barangay Saog. Samantala, naaresto naman ang suspek na si Jonathan Amasan  ng Barangay Mahabang Parang, Sta. Maria. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Gerardo Andaya, lumilitaw na nagalit ang suspek sa mga biktima matapos tumutol ang mga magulang sa relasyon nila ni Ma. Judith.

Show comments