Jeepney vs kotse: Nurse, estudyante dedo

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na na nasawi matapos salpukin ng pampasaherong jeepney ang kanilang kotse sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Quinavite sa bayan ng Bauang, La Union kahapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Reynaldo Lizardo, hepe ng pulisya,  ang mga biktima na sina Sherwin Silva,  staff nurse sa Ilocos Training and Regional Medical Center  at Czarmaine Laoan, nurse student, ng Brgy. Santiago Norte, San Fernando City, La Union.

Napag-alamang nang-agaw ng linya ang driver ng jeepney na si Edgar Patacsil ng Bacnotan matapos itong nag-overtake sa sinusundang sasakyan kung saan nakasalubong at sinalpok ang kotse ng mga biktima.

 Malubhang nasugatan si Patacsil at maging ang kanyang kasama na si  Jason Abenoj, 26, ay agaw-buhay sa nasabing ospital.

 

Show comments