Misis nasunog ang mukha

LUCENA CITY, Philippines - Nabulag ang mata at halos masunog ang mukha ng 33-anyos na misis matapos na  aksidenteng tamaan ng shrapnel ng  shotgun na pinaputok ng senglot na kapitbahay sa Barangay Ibabang Iyam, Lucena City, Quezon kamaka­lawa ng gabi. Kasalukuyang ginagamot sa Quezon Medical Center ang biktimang si Conchita Villamor habang tumakas naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas Mang Kanor. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima at nakikipag-inuman sa mga kapitbahay kabilang na ang suspek nang magyabang ito na papuputukin ang hawak na shotgun. Nang kalabitin ng suspek ang gatilyo ng baril paitaas ay tumama sa biktima ang shrapnel kung saan ang buga naman ng apoy ay sa mukha.

Show comments