Mister iniwan ng misis, nagbigti

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 46-anyos na mister matapos itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan dahil sa matinding panibugho sa sarili noong bisperas ng Pasko sa Barangay Caritan Norte, Tuguegaro City. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Loreto de Ocampo na sinasabing nanibugho matapos hiniwalayan ng kanyang misis. Lumabas sa imbestigasyon na dalawang araw nang naglalasing ang biktima habang nakaumang ang tali na kanyang gagamitin sa pagbigti sa kusina.Nabatid na binabantayan ng kanyang anak ang biktima sa anumang balak nitong gagawin sapagkat lalo lang nagwawala ito kapag pinigilan. Gayon pa man, inutusan ng biktima ang anak na bumili ng sigarilyo ilang minuto bago ang noche buena. Nang bumalik ang anak ay nakabitin na at luwa pa ang dila ng kanyang ama.

Show comments