Van niratrat: 2 dedo, 6 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawa-katao ang kumpirmadong napatay habang anim naman ang nasugatan makaraang tambangan ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng highway ng Barangay Rosary Heights IV sa Cotabato City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Supt. Marlo Martinez, spokesman ng Cotabato City PNP ang mga napaslang na sina Sherasmine Salik Abdullah, 8; at Paik Sultan, 21, driver ng van.

Sugatan naman sina Brgy. Chairman Amin Sula, Muslim Salik, Baikan Salik Abdullah, Taya Makalnas, Jenna Sulat at ang 7-anyos na batang babae.

Bandang alas-7:15 ng umaga nang harangin at ratratin ang mga biktimang lulan ng Toyota van (BEL 263) sa kahabaan ng Don Rabago Street sa nabanggit na barangay.

Sa kasalukuyan ay pulitika at personal na alitan ang dalawang anggulong sinisilip ng pulisya habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments