3-anyos shinotgun ng 5-anyos na kalaro

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Biyak ang ulo ng isang 3-taon gulang na batang babae matapos aksidenteng mapaputukan ng de-sabog ng kanyang kalaro sa liblib na Brgy. Daan-ili sa bayan ng Allacapan, Cagayan, batay sa ulat na ipinalabas ng pulisya kahapon.

Kinilala ni PO1 Jose Labbao ang biktima na si Rhian Estrada ng nasa­bing lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang biktima ay nasa bahay ni Efren Arquillo, 32, isang drayber, at kalaro ang anak nitong 5-taon gulang na lalaki.

Nabatid na inilabas at nilaro ng anak ni Arquillo ang de- sabog nitong riple at aksidenteng napaputok sa ulo ng kalaro. Kalaboso ang bagsak ni Arquillo dahilan sa pagpapabaya at pagtatago ng armas.

Show comments