Tsinoy trader inutas sa fish port

MANILA, Philippines - Pinagbabaril at napatay ang 38-anyos na negosyanteng Tsinoy ng nag-iisang lalaki sa bahagi ng fish port sa bayan ng Datu Piang, Maguindanao kamakalawa. Napuruhan sa  tiyan ang biktimang si Michael Tan Uy habang natukoy naman ang suspek na si Diang Dagadas ng Datu Piang. Sa ulat ni Col. Prudencio Asto, chief ng Public Affairs ng Army’s 6th Infantry Division, naganap ang pamamaslang dakong alas-7:30  ng umaga.

Show comments