Trader tinodas ng tandem

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa 38-anyos na negosyante matapos pagbabarilin ng rising-in-tandem sa kanyang bakuran sa Barangay Orenze sa bayan ng Narvacan, Ilocos Sur kamakalawa.
 Kinilala ng pulisya ang napatay na si ex-Chairman Jose Estacio ng nabanggit na barangay.
 Lumalabas sa imbestigasyon, papasok na sana sa bahay ang biktima mula sa sabungan nang sundan at ratratin ng motorcycle-riding gunmen. Nananatiling blanko ang pulisya sa motibo ng pagpaslang bagama’t isa sa 15- lalawigan ng Ilocos Sur ang nasa watchlist ng DILG na may maselang kalagayan sa seguridad sa May 2013 mid term elections.

Show comments