4 tiklo sa armas at droga

CAVITE , Philippines – Apat-katao na nakumpiskahan ng mga armas at bawal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng Cavite Provincial Intelligence Branch, Cavite Provincial Public Safety Company sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Barangay Malagasang 2-C, Imus City, Cavite kamakalawa.Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Alexzander Rafael ang mga suspek na sina Larry Guemo, 44, ng Tierra Vista Subdivision, Malagasang 2-B  ng nasabing lungsod; Jimmy Jesse Carpio, 43,tubong Bacolod; Cynthia Lavinia, 41; at si Henjie Dorilag, 39, ng B14, 3-D P-1 Tierra Nevada Subdivision, Brgy Francisco, General Trias, Cavite. Sa bisa ng tatlong search warrant na ipinalabas ni Judge Lerio C. Castigador ng Naic Regional Trial Court Branch 15, nasamsam sa mga suspek ang iba’t ibang uri ng malalakas na kalibre ng baril, bala at 400 gramo ng shabu.

Show comments