Bata dedo sa pangangaroling

CAMARINES NORTE , Philippines – Gumuho ang pangarap ng mga magulang sa 11-anyos na Grade 5 pupil matapos masagasaan ng traysikel habang nangangaroling sa Eco Avenue, Barangay 3 sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Idineklarang patay sa Camarines Norte Provincial Hospital si Rochelle Tupas habang malubha naman ang pinsang nitong si Mark Harold Sumulat, 7. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver ng traysikel na si Francis Rayos, 45, ng Purok 3 sa bayan ng Mercedes. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Insp.  Allan Docyogen, naghahanap ng ilang bahay na pagkakaroli­ngan ang mga biktima nang mahagip ng traysikel habang tumatawid.

 

Show comments