3 apo hinalay ng lolo

TUGUEGARAO CITY , Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng 77-anyos na lolo makaraang arestuhin ng pulisya sa kasong panghahalay sa tatlong apo nito sa bayan ng Nagtipunan, Quirino kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni P/Senior Supt. Domingo Lucas ang suspek na si Ricardo Pellog ng Barangay Asaklat.  Naganap ang insidente noong Enero hangang Nobyembre 2012 sa loob ng bahay ng suspek kung saan pinaglilinis muna ng tahanan ang mga biktima bago isagawa ang maitim na balak ng matanda. Nadiskubre ang krimen matapos magsumbong ang mga bata sa kanilang mga magulang kaya ipinaaresto ang suspek.

Show comments