Bumbero tiklo sa droga

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang aktibong bumbero matapos maaktuhang nagtutulak  ng shabu sa General Santos City.

Kinilala ni  PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Fire Officer 3 Luisito C. Motong, 50 anyos ng  Sampaguita Street, Barrio Bla’an, Barangay Labangal, General Santos City at aktibong fire officer ng  General Santos City Fire Station.

Nahuli si Motong habang nagbebenta ng shabu sa isang miembro ng PDEA na umaktong poseur buyer ng shabu  sa bisinidad ng Oval Gym, na nasa likod lamang ng  Bureau of Fire Protection Station, sa Santol Street, Brgy. Dadiangas North ng lungsod.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, ng Republic Act 9165,habang nakapiit sa PDEA Region 12.

Show comments