1 patay, 9 grabe sa kidlat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Kamatayan ang sumalubong sa isang obrero sa irrigation kanal habang siyam iba pa ang malubhang nasugatan matapos tamaan ng kidlat habang nakasilong sa bahay kubo sa Purok 6, Brgy. Muldbucad Pequena sa bayan ng Guinobatan, Albay kahapon ng umaga. Hindi na umabot ng buhay sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital ang biktimang si Emeliano Moscoso Jr. habang nagtamo ng mga sunog sa katawan sina Darwin Mar, Vandolf Sarcia, Ruel Palencia, Jun Lana, Andres Orbeta, Renato Miraplis, Agusto Oribinano, Paul John Moscoso at si Jayson Moscoso. Lumilitaw na sumilong ang mga biktima sa bahay kubo matapos bumuhos ang malakas na ulan habang gumagawa sa irrigation kanal. Dito na biglang kumulog at kasabay nito ang matalim na kidlat na tumama sa mga biktima.

Show comments