2 tiklo sa buy-bust

MANILA, Philippines - Kalaboso ang sinasabing notoryus na dalawang drug pusher matapos madakma ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilatag na buy-bust operation sa Cagayan de Oro City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga suspek na sina Mike Mapandi, 30, rice dealer at nakatira sa Pabayo-San Agustin Street at Roberto “Bobby” Quimpo. Ang mga suspek ay dinakma ng grupo ni PDEA Director Roberto S. Opeña kung saan nakumpiskahan ng anim na plastic sachets na naglalaman ng 11.6 gramo ng shabu at motorsiklo (5756 TL). Ayon sa ulat, ang nakababatang kapatid ni Mapandi na si Abdulmanan, ay nadakip ilang metro ang layo mula sa checkpoint sa Mariano Badelles St. Poblacion, Iligan City noong October 16, 2012.

Show comments