4 pisak sa killer truck

BULACAN, Philippines – Apat-katao ang iniulat na nasawi makaraang mahagip ng dumptruck ang kanilang motorsiklo sa ibabaw ng flyover sa bayan ng Baliwag, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jeffrey Garcia, 32, ng Emil Subdivision, Brgy. Subic; Emar Abunda, 31; Maricel Espejon, 26, kapwa nakatira sa Brgy. Bagong Nayon at si Mylene Mildred Divinagracia. Sumuko naman ang drayber ng dumptruck na si Jobert Ramos, 27, ng Brgy. Pungo sa bayan ng Calumpit, Bulacan. Ayon kay P03 Danilo Castillo, patungo sa bayan ng Pulilan ang mga biktima nang mag-overtake ang kanilang motorsiklo sa sinusundang dalawang truck sa flyover ng Baliwag-Candaba Road sa Brgy. Bagong Nayon. Dito na nakasalubong ng motorsiklo ng mga biktima ang truck ni Ramos habang paakyat ng tulay.

 

Show comments