Problemado sa bayarin nagbigti

CAMARINES NORTE, Philippines – Pinaniniwalaang kahirapan sa buhay at walang pambayad sa electric bill kaya nagdesisyong magbigti ng 40-anyos na lalaki sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay San Felipe, Naga City, Camarines Sur kamakalawa ng umaga. Wala ng buhay ng madiskubre ng kanyang pinsan ang nakabi­ting biktima na si Joaquin Avellano. Nabatid na nag-iisa ang biktima sa kanilang bahay matapos mamatay ang kanyang mga magulang habang ang kapatid naman nito ay kasalukuyang nasa ibang bansa. Ayon sa pulisya, isa sa pinoproblema ng biktima ang kanyang electric bill na posibleng hindi mabayaran sa pagsapit ng Pasko.

Show comments