3 pisak sa killer bus

BULACAN, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na nasawi matapos mahagip ng pampasaherong bus ang kanilang traysikel sa kahabaan ng highway sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon ng hapon. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina William Del Rosario, 30, drayber; Loselito Flores, 20, kapwa nakatira sa Brgy. Partida; at si Arnel Reyes, 23, ng Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria. Samantala, sumuko sa pulisya ang drayber ng bus na si Randy Solis, 41, ng Barangay Pulong Yantok sa bayan ng Angat. Ayon kay P02 Alvin Salvacion, tinatahak ng Agila Bus ( PXX-694 ) ang kahabaan ng Barangay Partida-Sta. Road nang makasalubong ang traysikel ng mga biktima. Nagulu­ngan pa ng bus ang mga biktima matapos tumilapon palabas ng traysikel.

Show comments