Tatay dinedo sa harap ng anak

BULACAN, Philippines– Napaslang ang 42-anyos na tatay matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa harap ng kanyang dalagitang anak sa bahagi ng Barangay Anyatam sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan kahapon ng umaga. Walong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Paule Aure habang hindi naman idinamay ang anak nitong 15-anyos na estud­yante na kapwa nakatira sa Barangay Mataas na Parang sa nasabing bayan. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Anselmo Baluyut, lulan ng motorsiklo ang mag-ama para ihatid ang anak sa San Miguel National High School nang harangin at ratratin ng motorcycle-riding gunmen.

Show comments