Mag-utol utas sa ambush

TUGUEGARAO CITY , Philippines  – Napaslang ang mag-utol na lalaki makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Vira sa bayan ng Tineg, Abra kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Konsehal Rey Tandi at Roy Tandi. Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi ang magkapatid sakay ng motorsiklo nang ratratin malapit sa checkpoint ng pulisya. Ayon kay Tineg Mayor Edwin Crisologo, ikalawang beses na ang naganap na pana­nambang sa kanyang kaalyadong konsehal. Ang una aniya ay noong 2007. Pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan ng gunmen habang iniimbestigahan pa ang kaso.

 

Show comments