Bike rider todas sa trak

BULACAN, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 22-anyos na bike rider habang malubha naman ang kaangkas nito matapos salpukin ng cargo truck ang kanilang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Brgy. Salacot sa bayan  ng San Miguel, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Reynel Santiago habang kritikal naman si Reymart Sta. Ana, vulcanizer, kapwa nakatira sa Brgy. Bantog. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang drayber ng trak na si Redento Valdez, 34, ng Ariatao, Nueva Vizcaya.  Base sa ulat ng pulisya, pauwi na ang mga biktimang magkaangkas sa motorsiklo nang makasalubong si kamatayan bandang alas-2 ng madaling araw matapos mahagip ng truck (XLC-247) ni Valdez.

Show comments