Pangulo ng asosasyon nilikida

BULACAN, Philippines – Napatay ang 44-anyos na pangulo ng homeowner’s association matapos itong pagbabarilin ng maskaradong lalaki sa gilid ng kanilang bahay sa Brgy. Bayugo, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Labing-apat na bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni ex-P01 Manuel Mendoza ng Northville 3 sa nasabing barangay. Ayon kay P02 Phillip Santos, nagpupuno ng tubig sa drum ang biktima nang lapitan at ratratin kung saan nagpulasan naman ang ilang kapitbahay matapos umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Mabilis na tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo at bagama’t sugatan ang biktima ay nagawa pa nitong magpahatid sa ospital subalit idineklara na itong patay.

Show comments