Utol dinedo sa pagtatanggol sa ate

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Nagbuwis ng buhay ang 19-anyos na tinedyer na sinaksak ng senglot matapos nitong ipagtanggol ang kanyang kapatid na babae sa loob ng videoke Bar sa Pier Site, Barangay 4 sa bayan ng Pio Duran, Albay kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib at idineklarang patay sa Pio Duran Memorial District Hospital ang biktimang si Alvin Liria ng Barangay Santicon sa bayan ng Polangui, Albay. Samantala, naresto naman ang suspek na si Nelson Repato, 55, ng Barangay Caratagan. Lumilitaw na nagkakasiyahan ang grupo ng kabataan sa videoke bar nang lapitan ng suspek ang kapatid na babae ng biktima para isayaw. Tumanggi naman ang babae kung saan ipinagtanggol naman ng biktima kaya nagalit ang suspek at isinagawa ang pamamaslang.

Show comments