2 NPA tumba sa Army

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Dalawang armadong New People’s Army ang iniulat na napatay matapos makasagupa ang tropa ng Phil. Army sa bahagi ng Barangay Calatagan Tibang sa bayan ng Virac, Catanduanes kahapon ng madaling-araw. Nakilala ang mga napatay na rebelde na sina Ka Ryan at Ka Ching na kapwa miyembro ng Front Committee Pusa na nakabase sa naturang lalawigan. Naganap ang bakbakan dakong alauna y medya ng madaling araw habang pagpapatrulya ang grupo ni 1Lt. Evar Maganay. Umabot sa 30-minuto ang engkuwentro bago bumulagta ang dalawang NPA. Narekober ang dalawang M-16 armalite rifle, isang baby armalite, 1-M14 rifle, IED cellphone at mga subersibong dokumento.

Show comments