2 suspek sa nakawan, tiklo

MANILA, Philippines - Dalawang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang ang nasakote ng mga awtoridad  sa magkakahiwalay na operasyon sa Pangasinan at Bulacan kamakalawa. Kinilala ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr., ang mga suspek na sina  Geobille Carino, 35, ng Mangaldan, Pangasinan at Philip Legaspi, 34,  ng San Miguel, Bulacan. Sa police report, si Carino na sangkot sa holapan sa sangay ng Western Union noong Hulyo 28, 2012 ay nasakote sa Brgy. Malabago, Mangaldan, Pangasinan. Samantala, si Legaspi na miyembro ng notoryus na Chico group na sangkot sa gun-for-hire at robbery holdup sangkot sa pagpatay kay Cerilo de la Cruz sa Brgy. Bali Cruz, Cabanatuan City noong 2005.

Show comments