6 gun-for-hire arestado

MANILA, Philippines - Anim na kalalakihan na sinasabing gun-for-hire ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng militar  at pulisya sa isinagawang operasyon sa bahagi ng Purok 5, Barangay San Isidro sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Kevin Badajos, Dennis Badajos, Rolly Samora, William Samora, Jerry Pitao, at si Remark Alburo, pawang nakatira sa Barangay Poblacion 1 sa bayang nabanggit. Nasamsam sa mga suspek ang dalawang homemade shotgun na may anim na bala, cal. 357 revolver, cal. 38, cal. 45 at MK2 grenade. Ayon kay Lt. Col. Eugenio Julio Osias IV, itinurnover na sa kustodya ng Santiago PNP ang mga suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kasong kriminal.

 

Show comments