Bunso niratrat ni kuya

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ngayon ang 44-anyos na mister matapos pagbabarilin ng nakatatanda nitong kapatid dahil sa sinasabing mamanahing kayamanan mula sa kanilang mga magulang sa Barangay 1, Buenavista, Agusan del Norte kamakalawa ng hapon. Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa Nasipit District Hospital ang biktimang si Alejandro Ebarsabal habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Gregorio Ebarsabal, 52. Ayon sa imbestigasyon, kinompronta ng suspek ang nakababatang kapatid bunga ng inggit dahil sa mas malaking bahagi ng kanilang lupain ang ipinamana ng kaniyang mga magulang. Sa gitna ng mainitang pagtatalo ay pinagbabaril ng suspek  ang biktima. Sinaklolohan naman ng kaniyang mga kasambahay ang biktima na agad isinugod sa nasabing ospital.

Show comments