Inhinyero pinabulagta ng tandem

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines  – Napatay ang 52-anyos na inhinyero matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen  sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay Cabid -an, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa tagilirang bahagi ng katawan ang biktimang si Marlon Geron, may asawa, kawani ng St. Peter and Paul Construction at nakatira sa Gozar Street, Barangay Camilmil, Calapan City. Sa ulat ng pulisya, nagmomotorsiklo ang biktima nang ratratin ng tandem pagsapit sa nasabing lugar bandang alas-7:15 ng gabi. Narekober sa crime scene ang ilang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments