Magka-live-in trader itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang magka-live-in na negosyante matapos na pagbabarilin ng di-kilalang lalaki habang magkahawak ng kamay na naglalakad sa Barangay Poblacion Ward IV sa bayan ng Minglanilla, Cebu kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Lellosa Flores, 42;  at Alexander Samson, 40, tubong Zamboanga City.

Ayon sa imbestigasyon, ang dalawa na kapwa negos­yante ng saging ay naglalakad pauwi mula sa kanilang puwesto sa palengke nang harangin at pagbabarilin.

Ayon sa pulisya, love triangle ang sinisilip nilang anggulo sa motibo kung saan mahigit isang taon ng nagsasama ang dalawa ma­tapos namang maki­paghiwalay ang misis sa tunay nitong mister.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.

Samantala, inimbitahan naman ng pulisya ang tunay na mister ng ginang pero pinalaya rin matapos na mabigo ang testigo na kilalanin ito na nasa likod ng krimen.

 

Show comments