BULACAN, Philippines – Pito-katao ang nadale ng tatlong holdaper sa harapan mismo ng simbahan sa Barangay Sta. Rosa 1 sa bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga biktima ng holdap ay sina April Macasaquit 20; John Vilbert Diaz, 20; Valentino Acol, 45, seaman; Adelaida Jacinto, 51; Jennifer Genotia, 21, saleslady; Melanie Condeza, 43; at isang 17-anyos na estudyante na pawang nakatira sa Barangay Prenza 1 at 2. Habang naaresto naman ang isa sa tatlong holdaper na si Jerome Ibañez, 18, ng Northville 4-A, Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan. Sa ulat ni P/Supt. Gerardo Andaya, lulan ng pampasaherong jeepney ( CFX-325 ) ni Michael Donato ang mga biktima nang holdapin ng tatlo pagsapit sa harapan ng Devine Mercy Church. Sa follow-up operation ay naaresto naman si Ibanez habang narekober ang tatlong handbag ng ilang biktima.