Abugado bulagta sa tandem

BATANGAS, Philippines  – Pinabulagta na 53-anyos na abugado matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Tanauan City, Batangas kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Jeremias Aglugub, hepe ng Tanauan City PNP, ang biktimang si Atty. Sulpicio Landicho ng Barangay 6 Poblacion sa nasabing lungsod. Ayon sa police report, nakatayo sa harap ng kanyang bahay si Atty Landicho nang lapitan at ratratin bandang alas-3 ng hapon. Isinugod pa sa CP Reyes Hospital ang biktima subalit idineklarang patay. Tumakas ang gunmen sakay ng motorsiklo patungong Barangay Natatas habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.

Show comments