Lolo dinedo sa harap ni lola

ILAGAN CITY, Philippines – Napaslang ang 60-anyos na lolo makaraang saksakin ng nakaalitang magsasaka sa harap mismo ng kanyang misis sa Barangay San Miguel sa bayan ng Ramon, Isabela kamakalawa. Kinilala ni P/Supt. Vicente Valdez, chief investigator ang biktima na si Jesus Aquino habang tinutugis naman ang suspek na si  Dario Jandugan, 45, ng Barangay Planas sa nasabing bayan. Lumalabas sa imbestigasyon na pauwi ang mag asawa sakay ng traysikel nang harangin ng suspek na armado ng patalim. Kaagad na sinunggaban ng suspek ang biktima saka pinagsasaksak sa harapan ng misis na si Vilma. Nabatid na pinagsabihan ng suspek ang biktima kaugnay sa paninirang sa kanya sa kanilang amo sa sakahan.

Show comments