Lover ng ka-live-in kinatay ng mister

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak  hanggang sa mapatay ng mister ang kalaguyo ng kaniyang ka-live-in matapos nitong maaktuhang nagtataksil kamakalawa ng gabi sa Barangay Bubuyan, Calamba City, Laguna.

Idineklarang patay sa San Jose Hospital ang biktimang si Robert Rocapor, 32, backhoe operator, ng South Ville, Barangay Banay-Banay, Cabuyao City, Laguna habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Wilfredo Pasadilla.

Sa police report ni P/Supt. Ceacar Tannagan, hepe ng pulisya sa Calamba City na nakarating sa Camp Crame, nakipag-inuman ang biktima sa mga kasamahan nitong manggagawa para sa kaa­rawan ng isa nilang kaibigan na si Junjun Arguila.

Sa kainitan ng inuman ay nagpaalam ang biktima kung saan ay nagtungo ito sa likuran ng bahay para katagpuin ang ka-live-in ng suspek na tinukoy lamang sa pangalang Jennelyn.

Nang dumating ang  suspek at hinahanap ang ka-live-in pero di-ito natagpuan sa tumpukan ng mga nag-iinumang kalalakihan ay nagtungo ito sa likuran ng bahay.

Narinig ang tila nakikili­ting babae at laking gulat nito nang maaktuhan ang ka-live-in na kalampungan ang biktima.

Sa tindi ng galit ay sinugod ng saksak ng suspek na tinamaan sa kaliwang tuhod subalit nagawa pang makatakbo ay hinabol at muling pinagsasaksak ng makailang ulit.

Show comments