Mister kinatay ng katutubo

ILAGAN CITY, Philippines – Nagkagutay-gutay ang katawan ng 26-anyos na mister habang ang isa naman ay malubhang nasugatan matapos pagtatagain ng katutubong na sinasabing nag-amok sa Barangay Ueg sa bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktimang napatay na si Herman Balubal habang kritikal naman si Davis Danao, 22, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na biglang mag-amok ang suspek na si Daguio Tamang kung saan pinagtataga ang mga biktima. Ilan sa nag-umpukang kalalakihan ay nakatakbo kaya hindi nadamay sa pananaga ng suspek na sinasabing tumakas patungo sa kabundukan ng Sierra Madre.

 

Show comments