Bus vs trike: Mag-asawa bulagta

CAMARINES NORTE, Philippines  – Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang negosyante matapos salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang traysikel sa bahagi ng Barangay Del Rosario, Naga City, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Idineklarang patay sa Bicol Medical Center ang mag-asawang Bartolome Barcelona at Leticia Barcelona na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver ng ALTS Bus Liner na si Arturo Araneta, 48, ng Barangay San Vicente,Tabaco City, Albay.

 

Show comments