Medical mission sa Batangas

MANILA, Philippines - Ilulunsad ng Abundant Life Church ang medical mission sa Barangay San Rafael sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas sa Huwebes ng Nobyembre 15, 2012. Katuwang ng Abundant Life Church ang ilang miyembro ng Calvary Nexus na magmumula pa sa California, USA. Sinuportahan naman ng mga opisyal ng barangay ang medical mission na gaganapin sa harap ng A to Z Auto Parts sa kahabaan ng Maharlika Highway na magsisimula sa ganap na alas-8 ng umaga hanggang 12 ng tanghali. Isinabay ng Abundant Life Church ang medical mission sa kanilang ika-5 Community Care Program kung saan libre ang medical check-up, dental services, libreng gamot at counseling.

Show comments