Nene todas sa van

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa 5-anyos na nene matapos itong masagasaan ng van sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Piat, Cagayan kamakalawa ng umaga. Nabatid na ihahatid sana ni Leo Novena ang anak na si Shane Dhapnie Noveno sa Barangay Sto. Domingo Elementary School nang mahagip ng van ni Raymund Nacu ng Sta. Rita, Pampanga. Naisugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang patay habang sumuko naman sa pulisya sng driver ng van na si Nacu.

Show comments