CIDG agent nilikida

BATANGAS, Philippines – Isa na namang negosyante ang iniulat na napatay matapos pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa harap mismo ng convenience store sa bahagi ng mall sa Barangay Darasa, Tanauan City, Batangas kamakalawa. Kinilala ni P/Supt Jeremias Aglugub, hepe ng Tanauan City PNP ang biktimang si Jose Madrigal, 67, ng Salicia Street, Sampaloc, Manila at miyembro ng Civilian Investigation Service ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Base sa police report, kabababa lang ng Toyota Corolla (TEL-616) ng biktima nang lapitan at ratratin ng armadong lalaki. Matapos ang pamamaril, palakad na tumakas ang gunman na animo’y walang naganap na pamamaril.

Show comments