CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 23-anyos na misis matapos makuryente sa riles ng tren sa Barangay Sta. Tereseta sa bayan ng Baao, Camarines Sur kahapon ng umaga. Lumilitaw na nahulog sa irrigation canal ang biktimang si Jocelyn Galnate na susunduin sana ang anak. Kaagad naman umahon ang biktima subalit sa paghawak nito sa riles ng tren na sinasabing may nakadikit na talop na linya ng kuryente kaya nangisay ito. Naisugod pa sa Dr. Rabosa Hospital ang biktima subalit idineklarang patay.