Councilor dedo sa Christmas light

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Namatay ang 27-anyos na municipal councilor matapos makuryente habang nagkakabit ng Christmas light sa kanilang tahanan sa Barangay Bayabat sa bayan ng Amulung, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Erick Gumarang, hepe ng pulisya ang biktima na si Councilor Juan Tabisaura Jr.  Lumalabas sa imbestigasyon na aksidenteng nahawakan ng biktima ang talop na linya ng kuryente na bahagi ng kable habang dinedekorasyunan nito ang kanilang Christmas tree. Nangisay ang biktima matapos dumaloy ang malakas na boltahe sa katawan kung saan naisugod naman sa St. Paul Hospital subalit idineklara itong patay.

Show comments